Ni Claire Robles
TAMPOK sa West End ng London ang mga kanta at buhay ng namayapang Jamaican Reggae Star na si Bob Marley.
Ito ay bahagi ng pagdiriwang sa legasiya na iniwan ni Bob Marley sa entertainment industry.
Ipalalabas ang ‘Get Up, Stand Up! The Bob Marley Musical’ ngayong buwan sa Lyric Theatre.
Ayon kay Clint Dyer, director ng musical show, na ipapakita nila sa publiko ang puso at pagkatao ni Bob Marley, maging ang politikal na pananaw nito.
Kabilang sa mga kantang pinasikat ni Marley ang ‘No Woman, No Cry,’ One Love’ at ang ‘I Shot The Sheriff’.
Bibigyang-buhay naman ng British actor at playwright na si Arinze Kene si Bob Marley, na magsusuot ng trademark nitong dreadlocks.
Ngayong Oktubre a-bente naman ang official opening night ng ‘Get Up, Stand Up! The Bob Marley Musical’.