Ni Vic Tahud
BUMABA na ng 0.58 ang COVID-19 reproduction rate ng National Capital Region ayon sa OCTA Research Group.
Ito ay maikokonsiderang low risk at mas mababa pa sa 0.60 COVID-19 reproduction number sa NCR noong nakaraang Huwebes.
Samantala, ang reproduction rate ay ang bilang ng mga nahahawaan sa isang kaso ng COVID-19.
Bukod pa rito, sinabi rin ng OCTA na ang growth rate ng COVID-19 cases ay bumaba rin ng 17% para sa nasabing period kumpara sa nakaraang linggo.
Ang average daily attack rate o ang bilang ng mga bagong kaso kada 100,000 ay 11.87 para sa October 10 hanggang 16.
Kaugnay nito, ang healthcare utilization rate ay 44% habang ang ICU utilization naman ay 63% as of October 15.
Pagdating naman sa average testing positivity rate, ito ay 10% mula October 9 hanggang 15.