Ni Karen David
SINIMULAN na ngayong araw ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga atletang estudyante sa headquarters ng Commission on Higher Education (CHED) sa Quezon City.
Pinangunahan ang vaccination drive para sa UAAP athletes nina CHED Chairman Popoy de Vera, National Task Force Chief Implementer Secretary Carlito Galvez, at Senador Sherwin Gatchalian.
Nakatanggap ang mga atleta ng Moderna vaccine.
Sinabi ni De Vera na ang pagbabakuna sa mga ito ay maaring tungo sa muling pagbabalik ng mga training at actual games.