Ni Karen David
IPINAHAYAG ni Metro Manila Council (MMC) chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na simula bukas, Oktubre a-trese ay alas 12 na ng hating gabi hanggang alas 4 ng madaling araw ang unified curfew hours sa Metro Manila.
Sa kasalukuyan, ang curfew hours sa NCR ay mula alas 10 ng gabi hanggang alas 4 ng madaling araw.
Ayon pa kay Olivarez na ang pagbabago ay dahil na rin sa pagbaba ng COVID-19 cases at health care utilization rate.
Layon din aniya ng hakbang na matulungan ang mga negosyo at mga manggagawa sa gitna ng unti-unting pagbubukas ng ekonomiya na lubos na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.