Ni Karen David
BINAWI na ni dating Vice President Noli de Castro ang kanyang kandidatura sa pagka-senador para sa 2022 election.
Sa isang pahayag, sinabi ni De Castro na nagkaroon ng pagbabago sa kanyang plano.
Ayon sa beteranong mamamahayag, napag-isip-isip niya na mas makatutulong siya sa pagbibigay ng boses sa mga Pilipino sa pamamagitan ng pamamahayag.
Noong Biyernes nang maghain ng Certificate of Candidacy si De Castro sa ilalim ng Aksyon Demokratiko Party.