Ni Karen David
SIMULA ngayong Martes, Oktubre 26, bawal na ang pagpasok ng mga batang 12-taong gulang pababa sa Dolomite Beach sa Manila Bay.
Sa isang tweet, sinabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ang bagong polisiya ay alinsunod sa guidelines ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).
Sa press conference, sinabi naman ni DENR Usec. Jonas Leones na magkakaroon dito ng special lanes ang PWDs, senior citizen at mga buntis.
Sarado naman ang Dolomite Beach tuwing Biyernes para sa maintenance habang 4,000 hanggang 5,000 lamang ang maaring papasukin sa loob.
Samantala, inanunsyo rin ng DENR na isasara ang nasabing beach mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3 bilang paggunita sa Undas.
Nitong weekend nang dagsain ng maraming tao ang Dolomite Beach kabilang ang mga bata.