Ni Pol Montibon
IKINALULUNGKOT ng grupong Kilusang Pagbabago ang balitang nahawaan si Davao City Mayor Inday Sara Duterte ng sakit na COVID-19.
Kasunod nito ang pagpapaabot ng dasal at suporta ng grupo sa alkalde.
Kaugnay nito, naniniwala ang grupo na malaki ang papel na ginagampanan ni Mayor Inday hindi lang sa kanilang lungsod kundi maging sa buong bansa.
Bukod sa inaasahang pagbabago ng desisyon ng alkalde, iginiit ng grupo na kagaya rinĀ ng ibang panawagan mula sa iba’t-ibang sektor at mamamayan sa bansa, umaasa ang mga miyembro ng Kilusang Pagbabago na hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa iba pang panig ng mundo na maipagpatuloy nito ang legasiya ng kanyang ama.
Anila, wala nang iba pang tao na maaaring maging kapalit ng tatay nito sa panunungkulan sa bansa kundi si Mayor Inday.
Matatandaang sa ikalawang pagkakataon ay nanindigan si Mayor Inday na hindi nito itutuloy ang pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa bansa.
Aniya, uunahin muna nitong tapusin ang pagigng alkalde ng lungsod ng Davao.