NI Vhal Divinagracia
IPINAHAYAG ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa panayam ng Sonshine Radio na karapat-dapat na kalaban ang mga kumakandidato bilang Pangulo sa 2022 elections.
Tinutukoy nito ang mga kumakandidato na sina dating Senador Bongbong Marcos, Vice President Leni Robredo, Sen. Manny Pacquiao at Manila Mayor Isko Moreno.
Posible pa ayon kay Dela Rosa na sya ang lalabas na underdog o pinakamahina dahil sya ang panghuling nagdeklara ng kanyang kandidatura.
Tiniyak naman ng senador na sinsero sya sa kanyang pagtakbo bilang pangulo ngunit bukas umano sya sa mga pagbabago bago ang November 15.
Sakaling hindi talaga magbabago ang desisyon ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio, wala umanong magagawa si Sen. Dela Rosa.
Nakahanda naman aniya sya na kalabanin sa pagka-pangulo ang mga nabanggit.