Ni Vhal Divinagracia
KWESTYUNABLE para kay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ang Nobel Peace Prize na natanggap ni Rappler CEO Maria Ressa.
Sa panayam ng Sonshine Radio, sinabi ng senador na naloko lang nito ang nagparangal sa kanya.
Hamon pa ni Dela Rosa, magbigay si Ressa ng kahit isang myembro ng media na naipakulong dahil sa pagtuligsa nito sa gobyerno.
Itoy para mapatunayan ang umano’y kawalan ng press freedom sa bansa na isinusulong ni Ressa.
Kung tutuusin pa nga ayon sa senador, may kinakaharap pa na kaso si Ressa hinggil sa cyber libel at tax evasion.
Kaugnay sa cyber libel, hindi gobyerno ang complainant ni Ressa kundi isang private individual na naagrabyado nya.
Sa sinulat pa nito hinggil sa war-on-drugs ng pamahalaan, imbis na 6, 000 lang ang namatay, sinabi pa umano ni Ressa na aabot sa 20, 000 hanggang 30, 000 ang totoong napaslang.
Ani Dela Rosa Kay Maria Ressa, “she is painting this country black” sa ibang bansa.
Dahil dito, tutol ang senador sa panukalang bigyan ng Senate Medal of Excellence ang Rappler CEO.