Ni Vic Tahud
INIHAYAG ni Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo sa panayam ng Sonshine Radio na pangunahing tuntunin ng gobyerno ang protektahan at mag-serbisyo sa mga Pilipino.
Ito ang naging sagot ni Panelo nang tanungin kung ano ang gagawin kung sakaling manalo bilang senador sa darating na 2022 general elections.
“The prime duty of the government is to serve and to protect the people. ‘yan ang pinakamahalaga doon. So, kung ‘yan ang basis move, ‘yan ang pangunahing tungkulin ng gobyerno gaya ng sinabi ko sa inyo kanina ‘pagka tinatanong ko kung sino ang nakarating sa kolehiyo, high-school, sinong nakakapag-doktor, ibig-sabihin hindi natin napapatupad ang saligang batas.”
Nabanggit din ni Sec. Panelo na may isang broadsheet na nagsasabi na hindi siya nagbabasa ng batas dahil mayroon namang free education, libreng ospital at libreng doktor.
“Ang problema sa mga, dito sa Inquirer, pareho din sa pag-nagsalita si Pres. Duterte, they always take the president out of context. Alam ko ‘yun na merong free education, free hospital. Eh, kung totoo ngang napapatupad ‘yun, at ‘yung batas eh kumpleto eh bakit, 75% ang hindi nga nakakarating sa kolehiyo at sa ospital at doktor.”
Dagdag pa ni Panelo, ito ay dahil maraming hinihinging mga requirement para maka-avail ng mga free services na ito.
Kaya naman, gusto ni Panelo na dapat alisin na ang mga requirement na ito at gawing libre ito para sa lahat ng mga Pilipino lalo na para sa mga mahihirap.