NI Vic Tahud
INANUNSYO ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na sarado ang lahat ng mga sementeryo at kolumbaryo sa National Capital Region mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2.
Ayon kay Abalos, ito ay upang maiwasan ang siksikan ng mga tao at ang superspreader event sa panahon ng Undas.
Dahil dito, hinimok ni Abalos ang publiko na magtungo na ngayon pa lang sa sementeryo para hindi na magkahawaan ng COVID-19.