Ni Shane Elaiza E. Asidao
PARA sa mga nagbabalak magtipid sa gastos sa pagkain, ang paggawa ng ‘meal plan’ ang tiyak na sagot sa iyong problema.
Isa ito sa mga mabisang paraan upang makatipid nang hindi tinataya ang lagay ng kalusugan. Dagdag pa rito, mas nakatutulong ito sa pagbabadyet ng sweldo.
Una, maglaan ng badyet sa pagkain sa loob ng isang linggo at gumawa ng ‘meal plan’ na magsisilbi ring gabay sa mga susunod na linggo. Makatutulong din ito upang makapag-adjust at mas mabalanse ang gastos sa pagkain sa mga susunod pang araw.
Iwasan ang pagbili ng mga pagkain sa fast food at ugaliing magluto sa bahay nang sa gayon, hindi lamang ikaw ang makakain pati na rin ang mga kasama mo sa tahanan.
Maaaring bawasan ang sobrang pagkain ng matatamis upang hindi mag-udyok ng pagkagutom.
Labanan ang cravings
Bawasan ang pagkain sa labas at pag-inom ng kape sa mga mamahaling coffee house.
Higit sa lahat, gumastos nang tama at isipin ang mga susunod pang araw upang maging mas responsable sa paghawak ng sahod.