Ni Vhal Divinagracia
HINDI muna tatakbo ng anumang posisyon para sa 2022 elections si Star for All Seasons Vilma Santos.
Ito ang ibinahagi ni Vilma Santos dahil ang mister nya umanong si Senator Ralph Recto ang tatakbo bilang congressman ng Lipa City.
Subalit ayon kay Vilma, magiging abala pa rin umano sya kahit magpapahinga muna sya sa pulitika.
Aniya, tuloy ang serbisyo lalo na kung congressman ang asawa nito.
Siguro naman ani Vilma, mas may panahon na sya ngayon para sa showbiz career, tv show, movie o indie film.
Samantala, kinumpirma ni Superstar Nora Aunor na tatakbo sya sa 2022 sa pamamagitan ng party list na NORA a o National Organization for Responsive Advocacies for the Arts.