Ni Kriztell Austria
ISANG grupo ng 26 eksperto ang magsasagawa muli ng imbestigasyon patungkol sa pinagmulan ng COVID-19.
Ayon kay World Health Organization (WHO) Emergency Director Michael Ryan, maaaring ito na ang huling tsansa na magsagawa ng imbestigasyon ang WHO.
Samantala, sinabi ng WHO na magbubuo ito ng Scientific Advisory Group for the Origins of Novel Pathogens (SAGO).
Kaugnay nito, sinabi ng China ambassador to United Nations na si Chen Xu, dapat ay hindi mahaluan ng pulitika ang Scientific Advisory Group for the Origins of Novel Pathogens (SAGO).