Ni Pastor Apollo C. Quiboloy
KAYA, ang anumang nakikita natin sa labas, ay hindi nakakaapekto sa atin. Nakakaapekto tayo sa mundo ngunit hindi nakakaapekto ang mundo sa atin. Iyon ang dahilan kung bakit saan man tayo magpunta, ang Kaharian ng Langit na nasa loob natin na pinananahanan ng Diyos ay isa na ngayong larawan na ipinapakita natin sa labas.
ANG KAHARIAN NG LANGIT AY NASA LOOB MO
Kahit anong gawin natin, kahit anong hawakan natin. Anuman ang gawin natin, ito ay magiging isang langit sa mundo. Dahil mayroon ng langit sa loob natin. Tandaan natin ang sinasabi ng Salita ng Diyos, huwag hanapin kung nasaan ang langit, dahil ang Kaharian ng Langit ay nasa loob mo. Ang Kaharian ng Langit ay nasa loob natin, nagsimula itong napakaliit, nagsimula ito sa isang tao lamang. Nagsimula noong nandito si Hesukristo.
Kapag tinatanggap mo ang salita ng Ama, sa Kwento ng Kaligtasan kung saan nakumpleto na ito mula simula hanggang katapusan at ito ay nananahan na sa iyo. Hindi mo kailangan ng anumang makapagpapaligaya sa iyo.
PAKIKIPAG-UGNAYAN SA DAKILANG AMA
Maaari kang pumasok sa iyong sariling silid. Isarado ang pinto ng iyong silid, at pagkatapos ay ipikit ang iyong mga mata at tumingin sa langit nang nakapikit. Doon nakaupo, o nakatayo o nakataas ang mga kamay mo o mga kamay sa iyong dibdib. Ipikit lamang ang iyong mga mata at tumingin mula sa loob at pagkatapos ay mayroong isang pakikipag-ugnayan na nangyayari sa loob mo. At ang sobrang saya na nararamdaman mo sa sandaling iyon ay walang katulad kumpara sa lahat ng iyong naranasan dito sa mundo.
Sinabi mong ang ipinagbabawal na gamot ay nakapagbibigay ng natural high, sinubukan mo ito. Ito ang natural high na kapag ipinikit mo ang iyong mga mata, mayroong pakikipag-ugnayan sa pagitan mo at ng Makapangyarihang Ama.
Maaari mong ipikit ang iyong mga mata sa loob ng sampung oras. Ngunit hindi mo man lang naramdaman na sampung oras na ito. Ngunit sa Tamayong, mayroon ako ng lahat na pagka-pribado na gusto ko.
Limang taon akong nag-iisa, kapag inilagay nila ang pagkain sa aking mesa, ang pinakamatagal na maaari silang manatili ay labinlimang minuto, pagkatapos ay kailangan nang isara ang pinto. Mag-isa ako para sa Ama. Sa loob ng limang taon na yon. Ngunit bago iyon, noong nasa denominasyon ako, hindi mo ako mailalagay sa isang bahay. Kapag sinubukan mo akong ilagay sa isang bahay sa loob ng labinlimang minuto, lalabas na ako. Maghahanap na ako ng aking mga kaibigan kung saan kami pwedeng pupunta.
Pupunta kami sa Cavite, pupunta kami sa Ilocos. Abala kami sa paghahanap ng aming kasiyahan sa labas ng mundo, sa aming mga paglalakbay, pakikipagkita sa ibang tao.
ANG ESPIRITU NA BINAGO SA LOOB
Nang tinawag ako ng Ama, tinawag Niya ako para malaman ko sa Bundok ng Kitbog. Ako’y umiyak dahil hindi ako nasanay ng ganun. Ngunit ako ay binago ng Ama, ang espiritu ko sa loob. Binago ang aking loob.
Pagkatapos ay nasanay ako na mag-isa kasama Siya. Inayos Niya ako, ginawa Niyang muli ako mula sa aking loob. Nakakapangusap ang Ama sa akin. Nagkakaroon ng oras ang Ama sa akin at mayroon din akong oras para sa Kanya. Yun ay nang nahanap ko na ang kaligayahan sa loob ko at pagkapanatag higit sa anumang bagay.
Isang taon iyon sa Kitbog. Kung hindi ka masaya doon, isang araw hindi ka mananatili doon. Ngayon pupunta ka sa Kitbog maganda na siya, dahil ito ay atin na. Ngunit noon nang ako ay nagpunta doon, walang batas doon. Napakalayo nito sa sibilisasyon.
Ngayon sa modernong panahon na ito, may mga kalsada na, gumawa na tayo ng mga kalsada upang pumunta doon. Napakadali nang magpunta ngayon doon, sa pamamagitan ng chopper o sasakyan ngunit bago ito ay kabayo lamang ang pwede mong sakyan. Naglakbay kami mula sa Malalag Cogon ng alas-3 ng hapon, nakarating kami doon alas-3 o alas-4 ng umaga.
Kaya’t parang wala iyon sa sibilisasyon, at talagang wala sa sibilisasyon dahil mayroon silang sariling mga batas. Ang mga B’laans doon ay may kani-kanilang mga batas noon, hindi sila apektado sa mga batas ng Pilipinas. Ngunit noong nandoon ako alam mo, umiiyak ako dahil ang aking kaligayahan at ang aking buhay ay ang maglibot bilang isang ebanghelista, upang makipagkita sa ibang tao. Pagkatapos uuwi ka at pagod ka. Akala ko iyon ang buhay na pinakamasaya sa lahat ngunit hindi.
Nang dinala ako ng Ama doon, umiyak ako sa unang linggo. Hindi ako makapanatili doon. Ang aking utak ay laging nag-iisip upang lumabas dahil doon ko nahanap ang aking kaligayahan at kagalakan, na akala ko ay talagang tunay na kasiyahan at kagalakan at kasiyahan.
(Itutuloy)