Ni Vic Tahud
TINANGGIHAN ng Commission on Elections (COMELEC) ang aplikasyon ng 126 na party-list groups na lalahok sana sa eleksyon ng mga party list sa 2022.
Ito ang inihayag ni Poll Commissioner Rowena Guanzon sa isang tweet.
Sa kabila nito, hindi pa inilabas ng COMELEC kung anu-anong mga party list ang hindi pinayagan.
Magugunitang, aabot sa 270 na party-list ang naghain ng Certificates of Nomination and Acceptance hanggang Oct. 8, 2021.
Samantala, sinabi rin ng COMELEC na sa January 9 na mag-uumpisa ang pagbabawal sa mga baril hanggang June 9, 2022 maliban lamang sa mga high-risk public official at sa mga may awtoridad mula sa Committee on the Ban on Firearms and Security Concerns.