Ni Vhal Divinagracia
HINDI maaaring galawin ang arbitral ruling sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay National Security Adviser Sec. Hermogenes Esperon sa panayam ng Sonshine Radio, ito ang dahilan kung bakit walang basehan ang claims ng China sa Ayungin Shoal at sa mismong WPS.
Wala rin umanong karapatan ang China na harangin ang re-supply sa mga sundalong Pilipino sa Ayungin Shoal.
Magugunitang naka-standby ang transport ship na BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal para maipakita sa mga Tsino ang karapatan ng Pilipinas sa WPS.
Dito na rin namalagi ang mga sundalo na syang pagdadalhan sana ng supply noong November 16 subalit hinarang ito ng mga Chinese vessel.
Ibinahagi naman ni Esperon na natuloy na ang re-supply kagabi.
Samantala, nais ni Esperon na madagdagan sana ang coast guards na naka-destino sa Ayungin Shoal.