Ni Vic Tahud
INIHAYAG ni presidential aspirant at dating Senator Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na wala pa itong ka-tandem na vice presidential candidate para sa 2022 general elections.
Ani Bongbong, hindi na posible ang tandem nila ni Davao City Mayor Sara Duterte dahil hindi na siya (Bongbong) pwedeng mag-substitute.
Dagdag pa ni Bongbong, wala talagang balak tumakbo bilang pangulo si Mayor Sara.
Aniya, mainam din ito upang hindi na mag away-away ang magkakaibigan.
Samantala, sinabi ni Bongbong na una nilang plano na gawing vice presidential candidate si Pang. Rodrigo Roa Duterte sa ilalim ng federal party ngunit nagulat ito dahil hindi naghain ng Certificate of Candidacy ang Pangulo.
Sa ngayon, naghihintay pa si Bongbong kung ano ang magiging payo ng kanyang partido hinggil dito.