Ni Vic Tahud
MATAPOS manalong artist of the year sa 2021 American Music Awards, nakakuha ng panibagong achievement ang BTS, ito ang 2nd Grammy nomination.
Sa ngayon, na-nominate ang grupo bilang best pop/duo group performance para kanilang hit single na Butter sa Annual Grammy Awards.
Saad ng BTS, isa itong malaking karangalan sa kanilang grupo.
Kaya naman, nagpapasalamat ito sa lahat mga sumusuporta sa kanilang music journey.
Ang makakalaban ng BTS sa nasabing nomination ay ang Higher Power” ng Coldplay, “I get a kick out of you” nina Tony Bennett at Lady Gaga, “Kiss Me More” nina Doja Cat at Sza at “Lonely” nina Justin Bieber at Benny Blanco.
Samantala, ang 64th Grammy Awards ay gaganapin sa Jan. 31, 2022 sa Los Angeles, California.