Ni Vhal Divinagracia
POSIBLENG aabot na sa sampung libo at limang daan na health care workers at nurses ang makakapag-abroad sa 2022.
Ayon kay Labor Assistant Sec. Dominique Tutay, itoy matapos napagdesisyunan nila na dagdagan ang kasalukuyang 6,500 na deployment cap.
Binigyang-diin lang ni Tutay na mangyayari ito kung magkakaroon ng 12,000 na registered nurses ang bansa ngayong 2021.
Ibinahagi ni Tutay na may limang libong nursing graduates ang nakapasa sa licensure exam noong Hulyo.
12,300 naman ang nag-aaply para sa exam ngayong buwan.
Ani Tutay, kung may walong libo na makakapasa mula dito sa 12,300 ay magkakaroon ng kabuuang 12,000 registered nurses ngayong taon.
Dito na kukuhain ang pangdagdag na 4, 000 sa deployment cap.