Ni Vic Tahud
PINALAWIG pa ng Department of Health (DOH) kahapon ang eligibility ng booster shots ng COVID-19 vaccines sa mga senior citizen at mga person with comorbidities.
Sinabi rin ng DOH na ang pag-administer ng booster doses ay bahagi ng priority groups ng A2, A3 na magsisimula ngayong araw.
Samantala, ang mga immunocompromised individuals na maari nang tumanggap ng booster shot ay ang mga may HIV, active cancer o malignancy, transplant patients, at mga pasyente na sumasailalim sa immunosuppressive treatments.
Una nang sinabi ng DOH na kailangan maghintay ng anim na buwan ang mga nabakunahan ng Sinovac, AstraZeneca, Pfizer, Moderna at Gamaleya Sputnik bago magpaturok ng booster shots.
Samantala, ang mga naturukan ng Janssen vaccine para sa kanilang primary dose series ay dapat maghintay ng tatlong buwan bago turukan ng booster shots.