Ni Karen David
DUMATING na sa bansa ang halos 700,000 doses ng Moderna vaccine kontra COVID-19.
Ngayong umaga nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang eroplano na may lulan ng kabuuang 682,360 doses ng Moderna vaccine.
Ang bagong dating na bakuna ay binili ng gobyerno.