Ni Vhal Divinagracia
NATANGGAP na ng aktor na si Jason Abalos ang kanyang Master’s degree sa kolehiyo.
Masaya itong kinumpirma ng aktor kasunod sa kanyang pag-renew ng kontrata bilang isang artist ng Kapuso Network.
Master’s Degree in Management, major in public administration ang kinuha ni Jason sa Philippine Christian University.
Habang ibinahagi ang naturang katagumpayan, naikwento naman ni Abalos na agad syang kukuha ng doctorate degree para dito.
Nauna nang nag-graduate si Jason ng kursong civil engineering sa kolehiyo subalit hindi nito lubos nagamit sa trabaho.
Kung ikukumpara naman ito sa bagong kurso ng aktor, mas magagamit umano nito ang kanyang public administration course sa kanyang pagiging board member sa Nueva Ecija kung papalarin sa 2022.
Nitong Oktubre, naghain ng kanyang kandidatura si Abalos.
Mabilis namang nilinaw ng aktor na hindi ang kagustuhan nitong makapasok sa politika ang sanhi ng kanyang pag-aaral ngayon.
Aniya, ninanais kasi nila ng kanyang girlfriend na si beauty queen at former PBB housemate Vickie Rushton na magpatayo ng paaralan para sa mga mahihirap kung kaya’t nag-aral sya ng public administration course.