Ni Chaddy Castro
NAGPOSITIBO sa Zika virus ang hindi bababa sa 89 katao kabilang ang 17 mga bata na nagpataas ng mga kaso sa lungsod ng kanpur sa India kamakailan.
Ayon sa chief medical officer ng Kanpur District na si Dr. Nepal Singh, nagkaroon ng pag-akyat sa mga kaso ng Zika virus at ang departamento ng kalusugan ay bumuo ng ilang mga koponan upang malaman ang sanhi ng pagkalat.
Ang unang kaso ng Zika sa industrial city ng Kanpur ay natuklasan noong Oktubre 23 at sa nakalipas na linggo ay tumaas ang bilang ng mga kaso.
Dagdag pa ni Singh na masusing sinusubaybayan ng mga awtoridad ang pagsiklab ng sakit.
Aniya, nililinis na rin ng mga ito ang mga posibleng lugar pinangingitlugan ng mga lamok na nagdadala ng virus.
Ang Zika virus ay unang natuklasan noong 1947 at umabot sa epidemya na proporsyon sa Brazil noong 2015.