Ni Vic Tahud
PINAALALAHANAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga operator ng mga jeep na ibigay sa mga tsuper ang Pantawid Pasada Program cards kung saan doon nakalagay ang kanilang P7,200 fuel subsidy.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, nakasaad sa Section 82 ng R.A. No. 10963 o Tax Reform for Acceleration and Inclusion, ang mga benepisyaryo ng fuel subsidy ay dapat “qualified franchise holders” ng PUJs.
Paliwanag ni Delgra, ang mga tsuper ang nagpapa-gasolina araw araw kaya dapat ibigay talaga sa kanila ang mga card.
Matatandaang, simula kahapon inumpisahan na ng gobyerno ang pamamahagi ng P1-bilyong pondo para sa fuel subsidies ng mga jeepney driver para gumaan ang kanilang financial burden dahil sa tumataas na presyo ng langis.
Dagdag pa ni Delgra, naka-credit na ang P7,200 subsidy sa 85,000 na mga active PPP cards ngunit hindi pa nakaka-produce ang banko ng 50,000 na karagdagan pang cards.