Ni Vhal Divinagracia
NADALA lang umano si presidential aspirant at Sen. Manny Pacquiao sa kanyang mga adviser na awayin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Sa panayam ng Sonshine Radio kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, binigyang-diin nito na totoo aniya ang kanyang assessment sa kapwa senador.
Magugunitang kamakailan sa isang interview ay sinabi ni Dela Rosa na may “very high IQ” si Pacquiao.
Ang problema lang ani Dela Rosa, nahihirapan si Pacquiao ipalabas ang kanyang gustong sabihin.
Samantala, magiging consistent umano si Dela Rosa sa pagsusulong sa death penalty.
Subalit hanggang sa drug lords lang din ang nais nyang maparusahan dito.
Muli namang iginiit ni Dela Rosa na nakahanda syang aatras kung tatakbo sa pagka-pangulo si Davao City Mayor Inday Sara Duterte.