Ni Vic Tahud
UUMPISAHAN na ng gobyerno ang tatlong araw na national COVID-19 vaccination drive mula ika-29 ng Nobyembre hanggang ika-1 ng Disyembre.
Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk to the People.
Samantala, ang simultaneous massive vaccination drive ay kasabay ng pag-alala sa buhay ni National Hero Andres Bonifacio sa ika-30 ng Nobyembre.
Dagdag pa ni Pangulong Duterte, kinokonsidera ng bansa bilang mga bayani ang mga magpapabakuna.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Sec. Carlito Galvez Jr., na layunin ng tatlong araw na national vaccination na tumaas pa ng isang milyon ang average daily vaccination rate ng bansa.
Ani Galvez, magiging kapartner ng bansa ang Philippine Medical Association, mga Allied Medical Group sa Rotary Club sa pamamagitan ng pag-mobilize ng non-government organizations, government agencies, private sector at mga volunteer.