Ni Vhal Divinagracia
HANGGANG alas singko lang ng hapon ngayong araw tatanggap ng withdrawals at substitutions ang COMELEC.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, wala na umano itong extension o karagdagan pang mga araw.
Tiniyak ni Jimenez na ipapatupad nila ang kanilang protocols sa sinumang pupunta sa COMELEC ngayong araw.
Subalit nilinaw lang nito na dadagdagan nila ang kanilang security force sakaling darating muli si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa COMELEC.