Ni Vic Tahud
NAGTUNGO na si retired Philippine National Police Chief Gen. Guillermo Eleazar sa Commission on Elections upang ihain ang kanyang Certificate of Candidacy para magsubstitue para maging senatorial candidate.
Si Eleazar ay tumatakbo sa ilalim ng Partido Reporma.
Kaugnay nito, ang standard bearer ng Partido Reporma na si Sen. Panfilo Lacson ang unang naghikayat sa kanya na tumakbo sa pagka-senador.
Magugunitang, nanumpa bilang miyembro ng Partido Reporma si Eleazar kahapon.
Ayon kay Eleazar, tumakbo siya sa pagka-senador upang lalo pang mapaglingkuran ang Pilipinas sa mas malawak na sakop.
Aniya, batid niya kung anu-ano ang suliranin ng mga Pilipino kung kaya’t nagkakaroon ng kaguluhan at krimen sa bansa.
Dagdag pa ni Eleazar, sinabihan niya si Pangulong Duterte tungkol sa kanyang political plan.