Ni Karen David
PINABULAANAN ni Senador Bong Go ang mga spekulasyon na babawiin niya ang kanyang kandidatura sa pagka bise-presidente ngayong araw.
Ayon kay Go, abangan na lamang ito sa mga susunod na araw.
Sa ngayon aniya ay apatnapung araw na siyang kandidato sa pagka bise-presidente.
Matatandaang una nang sinabi ni Go na posibleng magkaroon ng pagbabago sa kanyang plano sa 2022 elections dahil na rin sa hiling ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Nakatakda naman ang deadline ng pag-withdraw at substitution ng kandidato para sa nalalapit na halalan sa Nobyembre 15.