Ni Vhal Divinagracia
NANINIWALA ang aktor na si Tom Rodriguez na malaki ang role ng COVID-19 vaccination sa pagbaba ng covid cases sa Pilipinas.
Aniya, kung ikukumpara niya dati, libo-libo umano ang naitatalang daily covid cases.
Subalit nang nagsimula at nagtuloy-tuloy na ang vaccination rollout, napansin nya umano na unti-unti na ring bumaba ang bilang ng covid cases sa bansa.
Kaya panawagan nya, magtulungan ang publiko at kung maaari ay magpabakuna na sana ang lahat.
Itoy para tuloy-tuloy na rin ang pagbubukas ng ekonomiya ng bansa.
Binigyang-diin din nya na dapat hindi maging kampante ang mga tao kahit pa nagluwag na ang health restrictions.