Ni Pastor Apollo C. Quiboloy
PINASASALAMATAN ko ang Ama na binago niya ako, muli Niya akong binuo at ginawa pa ako na bagong tao mula sa aking loob. Nagsimula ang pakikipag-ugnayan na ito sa Makapangyarihang Ama nang ako ay muling ipinanganak sa diwa ng pagsusunod sa Kanyang kalooban.
ISANG TAONG PAGPAPAKILALA NG DAKILANG AMA SA HINIRANG NA ANAK
Ipinahayag Niya sa akin na Siya ang tumatawag sa akin at nang ako ay sumunod sa Kanya, at nandoon ako sa loob ng isang taon, ako ay binago Niya. Nandoon ako, at kapag ako ay nag-iisa, sa labas ng bukid o sa gabi kung oras na para ako ay magbantay. Nandun ako nakatingin sa liwanag ng buwan na nagliliwanag sa Kitbog. Nandoon ako, ginagawa ang mga bakod, ako ay mag-isa.
Hindi ko alam na isang taon na ako doon dahil nasanay na ako at ang aking kasiyahan ay hindi upang makita ang lungsod, mga ilaw ng lungsod, at hanapin ang aking kasiyahan at kagalakan sa labas, hindi na ganoon.
PAKIKIPAG-UGNAYAN SA AMA, TUNAY NA KASIYAHAN
Ang aking kasiyahan ay kapag nag-iisa ako, at ipipikit ko ang aking mga mata at pagkatapos ay magsimulang makipag-usap sa akin ang Ama, dahil nandoon Siya. Napakalapit Niya sa akin na hindi ko na kailangang hanapin ito sa labas ng mundo na wala sa akin. Napakalapit Niya sa akin na palagi kong kinasasabikan ang pag-iisa na iyon sa aking buhay na makasama Siya. Kaya, sa loob ng isang taon nandoon ako.
Ayaw kong bumaba sa bundok na iyon sapagkat doon ako nagkakaroon ng pakikipag-ugnayan sa Kanya na nagmumula sa aking loob. Sapagkat doon Niya akong muling binuo at nilinis, at inalis ang lahat ng dumi sa akin, at kinuha ang hangarin ko na buhay sa lungsod, kinuha Niya ang buhay na mayroon ako.
ESPIRITUWAL NA RELASYON SA AMA
Akala ko ginagawa ko na ang Kanyang kalooban, ngunit hindi Niya ako kinakausap sa paraang nakikipag-usap Siya sa akin ngayon. Naging abala ako sa pangangaral, sa aking ministeryo. Akala ko yun ang buhay pero pag nag-iisa ako at hindi ako sanay noong una. Pagkatapos ay sinanay ako ng Ama, binago at ako ay nagkaroon ng pakikipag-ugnayan at pakikisama sa Makapangyarihang Ama na nagmumula sa aking loob.
Mayroon na akong natatanging ugnayan sa Makapangyarihang Ama na batay sa espiritwal na relasyon. Hindi ko alam na isang taon na pala ako sa Kitbog. Ayoko nang bumaba sa lungsod ngunit sinabi Niya sa akin, “humayo ka”. Kaya, nagpunta ako sa kabilang bundok, sa Tamayong.
Iyon ang panahon kung saan naranasan ko ang mga pag-uusig, sa pamamagitan ng paghihirap. Ito ay tulad ng pag-akyat sa Mt. Apo araw-araw. Ganun kahirap at nakapapagod ngunit dahil yun ang pagsisimula ng pakikipag-isa ng Makapangyarihang Ama mula sa loob ko, mula sa loob ng aking diwa, ni hindi ko naramdaman ang mga paghihirap. Nakikita ko ang mga paghihirap, nararamdaman ko ngunit hindi na ito nakakaapekto sa akin. Iyon ang dahilan kung bakit ako sinanay muna sa Kitbog. Nang ako ay nasa bautismo ng apoy at pinagdadaanan ko ang lahat ng ito. Hindi ako nagsasawa. Araw-araw, mararamdaman mo sa iyong pisikal na ikaw ay sinasanay sa ganun, ang iyong pisikal ay nagrereklamo na lumabas ka doon at hanapin ang magpapaginhawa sa iyo, ito ay hindi dapat.
At ang Ama ay kakausapin ako at ako ay nagtanong, “Ama ito ba ay kalooban mo? Kalooban mo ba na manatili ako rito hanggang ngayon?” At sasabihin sa akin ng Ama, “Kalooban ko na naririto ka.” At hindi na ako nagtanong. Ito ang kalooban ng Ama na nandiyan ako palagi. Lumipas ang limang taon. Sa pamamagitan ng mga paghihirap, sa mga pag-uusig, sa lahat ng bagay.
Kung sa pisikal lamang, kung walang espiritwal na komunikasyon at pakikipag-ugnayan sa Ama mula sa loob, hindi ka maaaring manatili doon ng isang linggo dahil sa mga pag-uusig at paghihirap at lahat ng nangyayari sa paligid mo. Ngunit bakit nagawa kong manatili doon ng limang taon? Dahil kapag nag-iisa ako at isinara ko ang pinto, inilagay ang pagkain sa aking mesa, ito ay langit sa aking silid. May langit sa aking silid. Mayroong kaginhawaan at kagalakan at lubos na kaligayahan sa aking diwa kapag nag-iisa ako, pakikipag-isa at pakikisama sa Amang Makapangyarihan hanggang isang araw ay hindi ko na narinig ang Kanyang tinig.
Siya ay dumating upang manirahan sa loob ko. Iyon ang panghuli. Ayoko nang maghanap ng anumang relasyon na masisiyahan ako higit pa nito. Ito ang nais Niyang gawin sa ating lahat.
Ngayon dito, abala ako sa lahat ng mga tao, lalo na’t nais kong makasama ang mga tao. Gusto kong makasama sila. Gusto kong makasama ang mga manggagawa. Gusto kong makasama ang mga bata at minsan, wala akong oras na mapag-isa. Alam mo, kung saan ko nahahanap ang aking sarili, minsan, sa isang privacy ng aking sarili at nag-iisa, kapag pumupunta ako sa C.R. Dahil kapag pumunta ako sa C.R, walang sinuman, walang nakakaistorbo sa akin. Walang sinuman ang nakakagambala sa akin, kaya nakaupo ako sa puting trono, at pagkatapos ay nananalangin ako sa Ama, at nakikipag-isa sa Ama kapag ang hamon sa labas ng mundo ay napakabigat, dinudurog ako ni Satanas, Lucifer sa aking balikat, sa aking ulo at sinusubukan niyang matindi upang durugin ako at ibagsak, ganyan ang ginagawa ng diyablo sa akin.
Ngunit kapag nagpunta ako sa lugar kung saan makipag-usap ako sa Ama, ang lahat ay napapawi. Ang lahat ay nawawala. Ang bagay na ayaw sayo ng diablo ay ang kagalakan, at kapayapaan, at pagmamahal. Susubukan niyang alisin iyon kaya’t sa Juan 10:10, sinabi Niya, “Dumarating ang magnanakaw para lamang magnakaw, pumatay, at manira. Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, ng isang buhay na masagana at ganap”. Siya yun. Sinusubukan niyang patayin ang iyong kagalakan.
Sinusubukan niyang patayin at sirain ang iyong kapayapaan, pag-ibig, at kagalakan. Sinusubukan niyang gawin iyon. Sinusubukan niyang durugin ka at sabihin sa iyo, “Lahat ng mga bagay na ito, mga hamon ng mundong ito, sa pamamagitan ng mga pag-uusig, pag-atake at lahat. Ngunit kapag naroon ka, sa loob ng lugar na kung saan inilagay mo ang iyong sarili kung nasaan ang Diyos, mula sa loob mo, hindi sa labas mo, ngunit mula sa loob mo.
(Itutuloy)