Ni Pastor Apollo C. Quiboloy
HINDI mo kailangan ng mga gamot upang mawala ang lahat ng iyong kalungkutan, lahat ng mga hamon sa mundong ito. Hindi mo kailangan ng sigarilyo. Hindi mo kailangan ng alak. Hindi mo kailangan ng pornograpiya. Hindi mo kailangan ng internet. Hindi mo kailangan ng isang sex-based relationship o body-based relationship.
Ang kailangan mo lang ay ang oras na kasama ang Ama, sa panahon na Siya ay nasa iyo. Ito ang pagkakaiba sa pagitan natin at ng mundo sapagkat tayo ay mga anak ng Ama at ang Ama ay naninirahan sa atin. At sa gayon, walang hamon na napakahirap mula sa labas ng mundo na makasisira sa ugnayan na ito dahil tayo ay binago na mula sa loob.
ANG MGA ANAK NG AMA AY PINAGTIBAY SA KAPAGSUBUKAN
Tayo ay tulad ng King Dome. Ang ating istraktura ay gawa sa bakal. Hindi lamang ito gawa sa bakal. Ito ay gawa sa ginto. Hindi ito kumukupas. Hindi ito nawawala. Ito ay pinagtibay ng mga kapagsubukan, pinalakas ng mga pag-uusig, pinalakas ng bautismo sa apoy. Ito ay pinalakas ng lahat ng mga ito mula sa loob upang walang hamon sa labas ang maaaring durugin tayo, at tayo ay ginawang mas malakas kaysa una.
Kaya, subukan mo yan sa loob mo. Pagkatapos mong makipag-usap sa Kanya sa pamamagitan ng pagdarasal, alam mo kung ano ang dapat mong gawin? Kung mas mahaba ang tagal mong ginugol sa pakikipag-usap sa Kanya, dapat mong doblehin iyon sa oras na makinig ka sa Kanya.
PAKIKIPAG-USAP NG AMA SA ATING LOOB
Kung kakausapin mo Siya sa loob ng 30 minuto, gawin mong isang oras at trenta minuto upang isara ang iyong bibig at isara ang iyong mga mata. Huwag kang gumawa ng kahit ano. Umupo o tumayo. Ang iyong mga kamay sa iyong dibdib, o umupo sa isang upuan. Huwag matulog. Umupo o lumuhod o umupo sa sahig o humiga, kung iyon ang komportable sa iyo ngunit itikom mo lamang ang iyong bibig at ipikit ang iyong mga mata at makinig lamang sa Kanya na kinakausap ka mula sa iyong loob.
Nakakapanabik iyon mga kapatid. Napakaganda. Iyon ang komunyon at ang ugnayan sa Amang Makapangyarihan. Iyon ang magpapalalim at magpapataas sa kaalaman at pag-unawa sa kung sino Siya dahil nagagawa Niyang kausapin ka. Binigyan mo Siya ng sapat na oras upang makausap ka.
Kapag sobrang busy tayo, mag-ingat kapag sobrang abala tayo sa mga aktibidad. Minsan, napakahirap para sa iyo na magpalit ng damit. Pagod na pagod ka na. Dumapa ka lang sa iyong kama at natutulog ka na lang. Kahit na sa iyong pagtulog, hindi ka makakausap ng Ama dahil abala ka. Iniisip mo ang tungkol sa maraming bagay kahit sa iyong pagtulog.
Iyon ang dahilan kung bakit kahit sa pagtulog mo, abala ka. Hindi ka makakausap ng Ama. Ngunit, kapag may kamalayan ka pagkatapos mong manalangin sa Kanya, at sasabihin mo sa Kanya ang tungkol sa lahat ng mga bagay na nais mong sabihin sa Kanya. Huwag utusan ang Ama. Sabihin mo lamang sa Kanya ang anumang nais mong sabihin sa Kanya.
Pagkatapos nito, makinig sa Kanya at sasabihin Niya sa iyo kung ano ang nais Niyang sabihin sa iyo. Dahil kung mayroon kang mga problema, kung mayroon kang mga pasanin sa buhay, bago mo pa man buksan ang iyong bibig, sa palagay mo ay hindi alam iyon ng iyong Ama? Alam niya yun. Iyon ang dahilan kung bakit sinabi Niya, “Bago ka pa tumawag, sinasagot na kita.
PAKIKINIG HABANG NANGUNGUSAP ANG AMA
Kaya, kapag nalaman mong ganyan ang Ama sa atin, minsan, hindi mo na kailangang magsalita pa. Pumunta ka lamang sa iyong kwarto na nag-iisa at manahimik ka lang. Manahimik at buksan ang tainga. Ipikit ang iyong mga mata, isara ang iyong bibig, buksan ang iyong tainga. Ang mga tainga ng iyong espiritu, ang mga tainga ng iyong pag-unawa mula sa loob.
At pagkatapos dahan-dahan, kapag nasanay ka na, nararamdaman mong ang munting tinig na iyon ay nakikipag-usap sa iyo mula sa loob mo ayon sa Kanyang Kalooban at i-cocomfort ka Niya. Kaya’t, hindi mo kailangang lumapit sa akin at sabihin, “Pastor, mangyaring ipanalangin mo ako. Doon mo matatagpuan ang iyong comfort kung lagi kong ipagdarasal ka. Ngunit kapag lumago ka na sa iyong relasyon sa Makapangyarihang Ama, mauunawaan mo ang sinasabi ko. Ikaw ang magdarasal para sa akin o ikaw ang magdadasal para sa iba na nangangailangan nito.
Ikaw ay nasa buong pakikipagrelasyon at pakikipag-isa sa Ama na nasira noon at ang meron tayo ngayon ay ang pakikipag-ugnay sa espiritu na nanloko sa atin. At hindi natin alam iyon, ang ating konsentrasyon ay nakabatay sa katawan. Lahat ng ito ay nakabatay sa kalayawan. Lahat ng ito ay nakabatay sa panlabas na ugnayan ng limang pandama.
Doon natin nakukuha ang lahat ng ito – pagnanasa ng laman, pagnanasa ng mga mata, at ang pagmamataas ng buhay. Hindi natin sinasabi na wala tayong nararamdamang anumang bagay kapag nandito tayo sa katawang ito. Mayroon pa rin tayong pisikal na katawan ngunit ito ay isang bahagi lamang natin. Halimbawa, mga kapatid ko, ibinabahagi mo ang iyong buhay sa maraming bagay.
Hindi ito nakatuon sa isang bagay lamang. Kapag hindi ka maingat, ito ay tulad ng bagong survey, sa buong mundo, mayroong isang survey sa internet. 85% ang nahuhumaling sa panonood ng pornograpiya. Ganun nila pinaghiwalay ang kanilang buhay.
Iyon ang dahilan kung bakit sobrang nakatuon sila sa mga ugnayan na nakabase sa pisikal; yun lang ang meron sila. At kapag nawala iyon sa kanila, pakiramdam nila ay tulad sila ng mga robot.
(Itutuloy)