Ni Vhal Divinagracia
MALAPIT nang maisapinal ang budget ng NTF-ELCAC para sa 2022.
Ayon kay Sen. Sonny Angara, ang napagkasunduan ay malapit na sa 5 to 16 billion pesos.
Madedesisyunan naman aniya ito sa loob ng dalawampu’t apat hanggang apatnapu’t walong oras.
Inisyal na napagkasunduan na pondo ng Senado para sa NTF-ELCAC ay nagkakahalaga lamang ng P4-B.
Naitaas ito hanggang P10-B nang mahikayat ng mga pro-administration senators ang Senado na dagdagan ito.