Ni Arjay Adan
NANGANGAILANGAN ang Department of Education o DepEd ng nasa 3.37 bilyong pisong pondo upang muling itayo at ayusin ang mga paaralan sa Visayas at Mindanao na napinsala ng Bagyong Odette ayon kay Education Secretary Leonor Briones.
Ang pondo ay gagamitin upang muling itayo ang nasa 1.086 na nasirang silid aralan at sa rehabilitasyon ng nasa 1,316 ng partially damaged rooms.
Plano ng ahensya na kunin ang pondo mula sa 2022 national budget na nakatakda pa lamang pirmahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.