Ni Vhal Divinagracia
HINDI na lang IQ ang basehan sa mga kandidato simula nang mamuno si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa bansa.
Kasama na rin umano ang EQ o Emotional Quotient sa criteria ayon kay Malou Tiquia, political strategist, founder at CEO ng Publicus Asia Inc.
Kung mapapansin noon aniya, tinitingnan ang educational qualification at professional experience ng isang politiko para mapili.
Subalit nag-iba na umano ito simula nga noong pumasok si Pangulong Duterte bilang presidente ng bansa.
Ibinahagi naman ni Tiquia na sa 21st century, EQ din lang din ang nagiging basehan para masukat ang kalidad ng isang leader.
Ito na rin aniya ang dahilan kung bakit ipinakilala ng Publicus Asia ang isang criteria ng kanilang survey, ang Emotional Quotient ng kasalukuyang mga lider ng bansa.
Sa pinakahuling survey ng Publicus Asia, nakakuha si Pangulong Duterte ng 80% para sa kanyang katapangan; 72% para sa pagmamahal nito sa bansa; 72% sa pagiging decisive at 71% para sa concern nito para sa Pilipino.