Ni Melrose Manuel
Sinabi ng aktor na si Jayson Abalos na ngayon ang tamang panahon para muling makapagbalik sa pag-aaral ang kapwa niyang mga artista.
Hinihikayat din ng aktor na sumalang ang mga ito sa online classes na siyang mode of learning ngayong may pandemya.
Si Jayson ay kasalukuyang kumukuha ng masters degree in public administration.
Nais din ng aktor na magtapos ng doctorate degree at matupad ang kanyang pangarap na makapagturo.
Ibinahagi rin nito na bago siya lumagay sa tahimik ay nais niyang makapagtayo ng sariling paaralan para sa mga kabataan na lubos na nangangailangan.
Sa ngayon, patuloy ding umaarangkada ang kanyang showbiz career at handa rin siyang tumanggap ng anumang ibibigay sa kanyang role upang mahasa pa lalo aniya ang kanyang kakayahan sa pag-arte.
Sasabak din si Jayson Abalos sa politika at tatakbo ito bilang board member sa pangalawang distrito ng Nueva Ecija sa susunod na halalan 2022.