Ni Melrose Manuel
MAKABABALIK na sa basketball court si LeBron James matapos itong magnegatibo sa COVID-19.
Nilinaw ng National Basketball Association o NBA na may conflict sa nailabas na COVID-19 test result ng atleta kaya hindi ito nakapaglaro sa laban ng Lakers kontra Sacramento Kings.
Aasahan namang maglalaro si LeBron sa laban ng Lakers kontra naman sa Clippers na gaganapin mamayang gabi.
Si LeBron na ang ika-labing pitong player na isinailalim sa health and safety protocols ng NBA simula nang inumpisahan ang regular season.