Ni Karen David
PINURI ng Malacañang si Miss Philippines Beatrice Luigi Gomez sa pagbibigay ng karangalan sa bansa sa katatapos lamang na 70th Miss Universe Coronation night sa Israel.
Sa isang pahayag, sinabi ni acting Spokesperson Cabinet Secretary Karlo Nograles na nagbigay si Gomez ng kasiyahan sa mga Pilipino at karangalan sa bansa.
Bilang miyembro ng Armed Forces, isang atleta at youth advocate, sinabi ni Nograles na isang inspiring figure ang beauty queen at ang pagsali nito sa Miss Universe ay nagbigay-daan sa mundo na makita ang nasasaksihan sa bansa araw-araw; ang lakas, biyaya at kagandahan ng mga babaeng Pilipino.
Si Gomez ay nakapasok sa top 5 ng prestihiyoso beauty pageant ngunit natanggal sa final round.
Kinoronahan naman bilang Miss Universe ngayong taon si Miss India Harnaaz Sandhu.