Ni Vhal Divinagracia
Marami pa ring sasakyan kahit pa sinimulan nang ipatupad ang modified number coding scheme.
Nilinaw ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Director Neomie Recio, bagama’t marami ang sasakyan, mabilis din naman itong lumuluwag.
Ani Recio, hindi pa ito final assessment dahil unang araw pa lang ng muling pagpatutupad ng number coding scheme.
Sa ngayon, ang number coding ay magsisimula alas singko ng hapon hanggang alas otso ng gabi sa buong Metro Manila.
Ibinahagi ni Recio na pinag-aaralan pa kung isasali ang umaga sa naturang modified number coding scheme.