Ni Karen David
NANATILING nasa “very low risk” sa COVID-19 ang National Capital Region.
Batay sa datos na ibinahagi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, aabot na lamang sa 91 kada araw ang bilang ng mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa NCR mula Disyembre 6 hanggang 12.
Nasa 0.64 kada araw sa bawat 100,000 populasyon naman ang Average Daily Attack Rate (ADAR) sa Metro Manila.
Naitala naman sa 0.39 ang reproduction number o bilis ng hawaan ng COVID-19 habang nasa 0.9% na lamang ang positivity rate sa NCR.
Batay sa OCTA Research, labing tatlong Local Government Units sa NCR ang nasa “very low risk” na sa COVID-19.
Ito ay ang Pateros, Caloocan, Las Piñas, Mandaluyong, Parañaque, Marikina, Pasig, Navotas, Valenzuela, San Juan, Manila, Pasay at Taguig.