Ni Vhal Divinagracia
MULING tiniyak ng pamahalaan na wala pang Omicron variant sa Pilipinas.
Ayon kay National Task Force o NTF adviser Dr. Ted Herbosa, batay sa isinasagawang genome sequencing sa Philippine Genome Center, wala pa umano ang naturang uri ng COVID-19 variant.
Sinabi lang ni Herbosa na hindi tiyak kung South Africa nga ang pinagmulan ng Omicron.
Dahil dito, nagpatutupad ang pamahalaan ng Four Door Policy.
Bina-block na ng bansa ang mga pagpasok at lahat ng samples ng mga pasahero mula abroad ay isasailalim sa genome sequencing.