Ni Vhal Divinagracia
NANINIWALA ang pamahalaan na maabot ng bansa ang 70% nitong target na mababakunahang Pilipino bago matapos ang taon.
Kasunod ito sa pagkamit ng bansa ng kabuuang 45.2 milyong fully-vaccinated na indibidwal sa isinagawang Bayanihan Bakunahan.
Katumbas ito ng 58.71% sa buong populasyong Pilipino kung saan ibig sabihin, malapit na ito sa 70% target.
Kamakailan hiniling naman ni NTF against COVID-19 Adviser Dr. Ted Herbosa na bilisan ng mga lugar na hindi masyadong apektado ng Bagyong Odette ang pagbabakuna ng kanilang mga nasasakupan.