Ni Arjay Adan
GAGAWIN nang lingguhan ng pamahalaan ang pag-review sa border control protocols ng bansa sa kalagitnaan ng banta ng COVID-19 Omicron variant.
Pinaniniwalaan ng mga eksperto na maaaring mas nakahahawa ito at naaapektuhan din nito ang efficacy ng mga bakuna.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang pag-aaral sa mga border control protocol para sa ibang bansa ay karaniwang ginagawa kada 15 na araw ngunit pinaiksi ito sa pitong araw dahil sa Omicron variant.
Samantala, ipinaliwanag ni Vergeire na ikinokonsidera rin ng pamahalaan ang insidence rate at two-week growth rate ng COVID-19 cases sa ibang bansa sa pag-classify ng kategorya para sa border controls.