Ni Karen David
ISA na namang disqualification case ang inihain laban kay presidential aspirant Bongbong Marcos Jr, sa COMELEC.
Inihain ang panibagong disqualification case ng isang grupo ng mga petitioner na kinabibilangan ng mga miyembro ng Akbayan at martial law survivors.
Tulad ng mga naunang kaso na isinampa para mapawalang-bisa ang presidential bid ni Marcos, ang pinakahuling disqualification case ay nagsasaad na ang dating senador ay pinagbawalan na sa public office bilang resulta ng kanyang 1995 conviction dahil sa hindi paghahain ng income tax returns.
Ang pinakabagong petisyon ang ika-pitong inihain laban sa presidential bid ni Marcos.