Ni Karen David
MULING nakatanggap ang Pilipinas ng karagdagang supply ng bakuna kontra COVID-19.
Ngayong umaga nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 2,003,500 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines.
Ang bagong dating na mga bakuna ay binili ng pribadong sektor.
Sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na nakatanggap na ang Pilipinas ng higit 205 milyong COVID-19 vaccines doses.
Inaasahan naman na may darating pang 5 milyong doses ng mga bakuna bago matapos ang taong 2021.