Ni Vhal Divinagracia
MARAMING naiuwi na medalya ang Pilipinas mula sa 9th Mombasa Open Tong-Ii Moo-Do o TIMD International Martial Arts Championship noong December 11 hanggang 22.
Sa naturang event na isinagawa sa Mombasa, Kenya, labing siyam na gold, labing siyam na silver at pitong bronze medals ang nasungkit ng bansa.
Nanalo pa ito bilang second overall.
Pinangunahan ito ni Princess Minmi Ilustrisimo sa pamamagitan ng kanyang gold medal sa individual special techniques at bronze naman sa Women’s Sparring Flyweight at Individual Bong.
Ang 9th TIMD ay nilahukan ng labing anim na bansa gaya ng Estados Unidos, Japan, Thailand, Zambia, Turkey at Iran.
Ang Kenya naman na syang host country ang nakasungkit ng overall champion.