Ni Vhal Divinagracia
PINIRMAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Executive Order o EO na magpatutupad ng price cap sa ilang mga gamot.
Layunin ng naturang EO ang masigurong abot-kaya ng mga Pilipino ang mga gamot.
Sakop ng EO ang tatlumput apat na drug molecules at pitumput isang drug formulas na para sa anti-cancer, bladder problems, at immunosuppressant drugs.
Kasama rin ang mga gamot na anti-asthma at chronic obstructive pulmonary disease, antibiotics, antidiabetic at iba pa.