Ni Vhal Divinagracia
People pleaser.
Ito ang ugali umano ni Rabiya Mateo hanggang sumalang siya bilang representative ng Pilipinas sa 69th Miss Universe.
Dahil umano sa naturang ugali ay lubos syang nasaktan nang natalo ito sa kompetisyon.
Subalit inamin naman ni Rabiya na ang pangyayaring iyon din ang nagbigay daan para marealize nyang hindi lahat ng bagay ay “para sayo”.
Ngayon, sinabi nya na natuto na syang tumanggap na hindi lahat ng bagay ay makukuha niya at naging bukas na rin ito sa lahat ng posibilidad.
At dahil nga sa pagiging bukas niya sa usapang posibilidad, sinubukan na rin ni Rabiya na pasukin ang acting at showbusiness ngayon.
Si Rabiya ay isa ng kasalukuyang talent sa Kapuso Network.