Ni Claire Robles
NAKAUWI na sa bansa ang isandaang Overseas Filipino Workers mula sa Bahrain noong unang araw ng Bagong Taon.
Ito ang kinumpirma ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Sara Lou Ysmael Arriola.
Ani Arriola, ang pagdating ng isandaang OFWs mula sa Bahrain ay naging posible sa tulong ng embahada ng Pilipinas sa Bahrain, katuwang ng DFA.
Una na rin tumulong ang naturang embahada noong November 26 kung saan anim napung stranded overseas Filipino sa Bahrain ang nakauwi.
Samantala, noong bago mag Pasko naman, Disyembre bente tres at bente kwatro ay nasa mahigit limandaang distressed Filipinos ang nakauwi ng Pilipinas mula sa Saudi Arabia at sa iba’t ibang bahagi ng Europa sa pamamagitan ng chartered flight ng gobyerno.
Ang naturang mga Pinoy ay nawalan ng trabaho sa mga bansang kanilang kinaroroonan bunsod ng pananalasa ng pandemyang dulot ng COVID-19.